Monday, May 18, 2009

Suggestion in Valueing your for sale used cars as an owner

Paano mo makukuha ang parehas ng presyo ng isang for sale used cars.

Masarap ang pakiramdam kung bibili ka ng bago or lumang sasakyan. Pero problema mo naman ay papaano mo i dispose ang lumang kotse mo sa saktong presyo ang tamang panahon. Meron mga car user na nag trade in nalang ng kotse nila kesa ibenta dahil sa hirap makipag negosyasyon sa mga car buyers. Ano pa man ang iyong magustuhan, kailangang marunong kang mag presyo ng tama sa iyong sasakyan. Ikanga you should be knowledgable in asset value of your things like house, cars, land and computers. Alam na kailangan mong ibenta ang luma dahil mag magandang gamiting ang mga bago dahil sa kanilang mga features.

Merong mga tatlong pagkukunan ng presyo ang mga used cars.

1. Aang presyo kung ibebenta mo sa mga used car dealer. Kadalasan ay mababa ang presyo dahil magagaling silang mag value tapos ibaba nilang mabuti ang presyo base sa kanilang business technical evaluation. Wala kang magagawa dahil car experts ang mga ito.

2. Ang presyo ng may commission. Ito ay mangyayari kung ibebenta mo ang used vehicles sa pamamagitan ng mga taga lakad o salesman. Pwedeng isa sa mga tao ng used car dealer, pwede ring mga pribadong saleman na maraming connection, pwede ding mga relative o kaya kaibangan na may kakilalang bibili at pwede rin ang mga online marketer. Sila ay iyung mga specialista sa pagbebenta sa pamamagitan ng internet.

3. Ang presyong pang retailer. Ito ay presyong gusto ng dealer na halaga kung ibebenta na niya ang sasakyan mo.


Ang importante sa paghalaga ng cars mo ang ang condition nito.Dahil ikaw ang owner alam mo ang condition ng used car ba ibebenta mo. Kung ibebenta mo mababa, baka isipin na bibili ang mumurahin o hindi maganda ang condition ng kotse. Kung ibebenta mo ng mahal, tatlo ang posibleng mangyari. Maganda ang condition, konti lang ang posibleng bumili kasi may kamahalan. Maaring magisip ang buyer na mabuti pa ang bago kung hindi kalayuan ng presyo. Pangalawa, tatagal sa storage warehouse ang kotse mo dahil sa taas ng presyo. Lalong bababa ang value nito. Pangatlo, pag nagtest drive ang buyer at na diskobre nilang hindi ganon kagandahan ang kotse mo ay masisira ang credibility mo sa buyer at dealer na rin.

Maarin mong bisitahin ang mga website ng used car dealers. Hanapin mo ang malaki at kilalang kumpanya gaya ng IBC Japan. Kung mag register ka sa kanila ay makikita mo ang mga presyo ng used cars from Japan. Huwag mo lang kalilimutan na ito ay nasa Japan kaya transportation cost ay dapat mong isama. Nagawa ko na ito noon at ang mga used cars ay nagkakahalaga ng P100,000+ talaga. Meron akong nakita ng mga P70000 na kotse. Wala pang transportation at taxes yun. Ang importante ay makita mo ang level of cars value. Tingnan ang mga pictures sa galery ng specials cars sale para makita mo agad ang mga presyo sa maraming klaseng modelo.

Pwede ka rin bumisita sa mga newspaper advertisement para sa mga presyo. Huwag mo lang kakalimutan na kung ang nagbebenta ay owner ng used cars, malamang ang base ng presyo nya ang mula sa original ng pagkakabili nya ng sasakyan. So madaling salita, hindi ito tunay ng presyo sa halaga ng kotse. Nag mark up lang ang seller sa newspaper base sa original na presyo.

Ang mga sumusunod ay detalyong paraan upang makapag bigay ka ng saktong halaga ng used cars mong pang benta.

5. Ang kotse mo ang maayos pa ang itsura o walang anumang gasgas. Walang record na tumirik ka sa daan o nag paayos sa loob ng isang taon. Ito ang pinakamataas ng grado ng sasakyang luma at may kaliitan ang porsyento nito sa pangkalahatang inventaryo ng mga used cars sa bansang Pilipinas.

4. Wala kang makikitang repair sa katawan ng kotse pero ok lang ang mga konting kagos. Ang loob ng sasakyan ay malinis at maayos. Hindi mabaho at hindi baluktot ang carpet. Balanse ang gulong at ang tunog ng makina ay walang kasamang tunog ng nagbabagaang parte ng sasakyan.Ang papeles ay hindi pumalya sa registro at maayos ang pagkaka fold.

3. Eto ang used cars na may konting problema na kailangan ipaayos pag nakita ng buyer. Merong mga baluktot o kaya naman kupi sa dingding ng vehiculo. Ok pa naman ang tunog na makita kung mag test drive. Problema lang talaga ay halata ang kalumaan.

2. Eto ang car na dumaan sa talyer. Mahahalata ang paayos or repair sa dingding at maririnig ang hindi kagandahang tunog ng makina. Ang gulong ay malapit ng palitan ang ang pintura ay halatang dumaan sa init at ulan. Medyo may kababaan ang presyo nito.

1. Ito ang used auto na may mga tunog hindi lang sa body pati na rin sa makitan. Medyo may kalawang sa ilalim or sa mga bakal at ang usok ay may kaitiman. Kaya pa niyang mag serbisyo sa loob ng 5 taon kaya lang maraming maintenance ang kailangan. Maaring may itim at mataas ang carbon ng usok nito at kadalasan ay pinalulusot lang para pumasa sa smoke emmission test.

Kung meron din lang kayong budget, Magandang bumili ng used cars na ang level ay 4. Pang matagalan ito at hindi mangagailangan ng maintenance sa loob ng 2 taon. Kadalasan ang mga owner nito ay gusto lang lagi ng bagong model ng kanilang sasakyan. Medyo may kamahalan pero dapat 50% ay bawas sa original na presyo.

Sana makatulong ang mga sumusunod kung may plano kayong bumili ng used cars.

0 comments: